Abante Tonite Interactive

Bidaman Jin ayaw itago ang dyowa

1,188

Mula nang manalo si Jin Macapagal bilang Ultimate Bidaman sa “It’s Showtime”, naging pasaporte ito para magka-career.

Katunayan, unang pelikula pa lang niya ay bida na agad ang naging role niya sa “Damaso”.

Nasundan pa ito ng maraming proyekto kaya naman masaya siya dahil patuloy ang pagdating ng acting projects sa kanya.

Simula nang pumasok siya sa showbiz, hindi niya inilihim na may non-showbiz girlfriend siya na taga-Bohol. More than 5 years na ang kanilang relasyon.

Kung sa ibang nag-uumpisa sa showbiz at gustong magkapangalan, karamihan sa kanila ay takot umamin sa tunay nilang estado pero iba si Jin.

Proud siya sa kanyang girlfriend at wala siyang balak na itago ito.

“Hindi ko na rin naman maitatago dahil nasabi ko na sa ‘It’s Showtime’. Noong unang salang ko, noong time na iyon, sabi nila, maging honest and be yourself. Wala namang masama kung magpapakatotoo ka,” aniya.

Hindi rin siya nagwo-worry na baka makaapekto sa umuusbong na career niya na meron siyang girlfriend.

“Sa time ngayon, modern na kasi, parang hindi na uso. Halos lahat ng artista, may dyowa. What’s the point of hiding? What’s the point of lying? Siguro, inisip ko rin iyong mararamdaman niya kung sabihin kong hindi. Alam kong maiintindihan niya, pero alam kong masakit din,” paliwanag niya.

Kung sakaling magkakaroon siya ng love team partner in the future, aware rin siya na baka maging disadvantage ito sa kanya, subalit kaya raw niya itong harapin.

“I know magiging disadvantage in the future, if ever ngang mag-grow ang career ko, pero saka ko na lang haharapin pag dumating na iyong panahon,” pagtatapos niya.

Kasama si Jin sa pelikulang “Us Again” na first screen teamup nina RK Bagatsing at Jane Oineza na palabas na simula sa Pebrero 26. (Archie Liao)