Abante Tonite Interactive

‘Bidaman’ pukpukan ang laban

0 158

Sinala na ang 21 finalist para sa “Bidaman: The Big Break” grand finals na gaganapin ngayong August 10.

Bigay-todo ang mga finalist sa ultimate aktingan para maipakitang karapat-dapat sila na maging ‘Ultimate Bidaman’ ng “It’s Showtime”.

Sa ginanap na press conference, nagpasiklab at nagpakitang-gilas ang 21 finalist.

Anyway, nabawasan na ang mga maglaban-laban para sa grand finals ngayong araw na ito.

“First automatically part na sila ng Showtime,” saad ng producer ng show.
“After ng competition, puwede na po namin sila isalang sa mga teleserye and so you will be expecting them na maisalang sila sa mga teleserye,” dagdag pa nito.

Matapos ang magandang balita mula sa producer ng show, hindi na naiwasan na maging emosyonal ng iba sa mga finalist.

Bukod kasi sa P1 milyon, management contract, brand new car, product endorsement, house and lot at role sa Star Cinema movie ang maaaring mapanalunan ng isa sa kanila. (Ronaline Avecilla)