Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bidaure, 3 pa asinta Olympics

0 57

Plano ng World Archery Philippines (WAP) na ipadala si ‘s-Hertogenbosch 2019 World Archery Championships veteran Pia Elizabeth Angela Bidaure at tatlong iba pa sa final Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na June 18-21.

SM food to go Banner Ad

Kasama sa radar ni WAP president Jasus Clint Aranas sa pahayag niya nitong Luanes sina US-based Riley Silo, Jason Emmanuel Feliciano at Phoebe Nicole Amistoso ba gaya ni Bidaure at mga world rated archers din.

Tig-64 sa men’s at women’s divisions ang mga tatanggapin sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19. Ilang slots na lang ang natitira sa individual at team, kasama na ang sa mixed. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.