Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bidding sa PBA bubble bagsak presyo!

0 133

Handang magbaba ng presyo ang mga nag-bi-bid sa PBA bubble para lang makuha ang rights na i-host ang 12 teams at iba pang personnel sa buong torneo.

Target ng PBA na ibalik ang Philippine Cup sa mid-October, pinaka-late na tapos sa January.

Nasa 400 katao ang papasok sa bubble, hindi biro ang gastos rito. Walang kita ang PBA sapul nang kanselahin noong March 11 dahil sa coronavirus.

“Talking about price cut, all the prospective hotels and gyms are willing to drastically slash their prices down para lang ma-earn ‘yung rights to host and house the PBA,” pahayag ng isang league insider nitong Linggo.

Dahil din sa COVID-19, walang turista o transients na kadalasang kliyente ang hotels.

“Kaya ‘yung hotels talagang bagsak-presyo para lang mai-salvage kahit konti ang business nila. Pati ‘yung gyms,” dagdag ng source.

Inihalimbawa nito ang isang hotel na naglalaro sa P18,000 per night, ngayon ay handang magbawas.

“Handa sila hanggang 70 percent off,” lahad ng source.

Binanggit nina commissioner Willie Marcial at chairman Ricky Vargas ng TNT ang Inspire Sports Academy sa Calamba, Clark at Subic Freeport Zones, Baguio City, Dubai, El Nido sa Palawan at Smart Araneta Coliseum na mga posibleng paglagyan ng bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.