Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biden, Xi kumbinsido sa panalo ni BBM

0 50

Dalawang makapangyarihang bansa na ang kumilala kay presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. matapos ang patuloy na pangunguna nito sa bilangan kung saan mahigit 31 milyon na ang nakuhang boto.

Nabatid na tumawag umano si US President Joe Biden kay Marcos upang batiin ito sa kanyang panalo, ayon sa pahayag na inilabas ng kampo ni Marcos.

Ikinagalak naman ni Marcos ang pagkilala ni Biden sa kanyang panalo at inimbita umano ito sa kanyang napipintong inagurasyon sa Hunyo 30.

Tiniyak umano ni Marcos kay Biden na kinikilala ng Pilipinas ang Estados Unidos bilang isang kaibigan, kaalyado at partner, at bahagyang pinag-usapan ang pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa sa kalakalan at diplomasya.

Samantala, nag-courtesy call naman si Chinese Ambassador Huang Xilian kay Marcos upang ipaabot ang pagbati ng kanilang gobyerno sa panalo nito.

“I am honored to forward the congratulatory message from H.E. President Xi Jinping of the People’s Republic of China on your elections as president of the Republic of the Philippines,” sabi ni Huang.

Ipinaabot din nito ang pagnanais ng China na mapaganda ang relasyon nito sa Pilipinas. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.