Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bieber umukit ng MLB record

0 126

NAGLISTA ng Major League Baseball record si Shane Bieber nang i-retiro ang 11 batters para itulak ang Cleveland Indians sa 5-3 panalo kontra Chicago White Sox Biyernes ng gabi.

Sa pang-18 sunod na laro, naka-strike out ng walo o higit pa si Bieber para basagin ang pagkakabuhol nila ng marka na nilista ni Hall of Famer Randy Johnson noong 1999-2000.

Nalusutan ng three runs, seven hits at one walk sa six innings si Bieber.

SM food to go Banner Ad

Naka-homer si Jose Ramirez at kumonekta ng tatlong hits na nagsindi sa tatlong runs ng Cleveland.

Naka-two hits at two stolen bases si Tim Anderson, pumapel din sa dalawa sa three runs ng Chicago. Kinatik ni Anderson ang bola para umiskor si Nick Madrigal bago umiskor sa single ni Yoan Moncada sa third inning.

Inumpisahan ni Ramirez ang four-run inning ng Indians sa third sa bases-loaded, two-run single mula sa bato ni Dallas Keuchel. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.