Abante Tonite Interactive

Big 4 salpukan na sa ‘PBB Otso’

524

Umpisa na ng mas mainit na labanan sa “PBB Otso” ngayong isa-isa nang magbabalik sa bahay ni Kuya ang Big 4 ng bawat batch. Sino kaya ang hihiranging ultimate big winner?

Unang nagbalik sa PBB house noong Linggo (Hulyo 7) sina Karina Bautista ng Teen Batch 1 at Fumiya Sankai ng Adult Batch 2 na mainit na sinalubong ng kanilang fans.

Agad din silang sumalang sa isang task kung saan nagsilbing human roulette si Fumiya at kinakailangang matamaan ni Karina ang mga marking na magdidikta sa kanilang magiging pagkain.

Bukod naman sa pagbabalik-bahay ng Big 4 ng bawat batch, dapat ding abangan kung sino nga ba ang ibinoto ng taumbayan na big winner ng bawat batch at paano nga ba nito mababago ang takbo ng laban ng housemates.

Samantala, kinumpleto nina Kiara Takashi at Argel Saycon ang listahan ng Batch 4 Big 4 matapos makakuha ang dalawa ng pinakamataas na boto mula sa taumbayan.

Una naman nang nakapasok sa pinag-aagawang puwesto sina Akie Poblete at Wealand Ferrer nang mapagtagumpayan nila ang Big Jump challenges ni Kuya.

Panoorin ang “PBB Otso” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” (Roldan Castro)