Abante Tonite Interactive

Big Bang 10M na ang subscriber sa YouTube

92

tonite-annyeong-rose-garciaApat man sa limang miyembro ng South Korean boy group and consi­dered as the “kings” in K-pop boy groups na kasalukuyang nagsi-serve ng kanilang mandatory military service, umaani pa rin ng tagumpay ang BIGBANG.

In fact, napaka-visible pa rin ng Big Bang sa halos lahat ng mga entertainment news site sa Korea, especially, the maknae. Ang pinaka-bata sa grupo na si SeungRi ay napakaabala sa solo promotion niya ng kanyang album both local and international.

Makatatanggap ang Big Bang ng Diamond Creator Award mula sa YouTube dahil na-reach na ng official YouTube account nila ang 10 million subscribers mark.

Abante Hiring – IT dep

At dahil apat sa mi­yembro ng Big Bang ay nasa military, posibleng si Seung Ri ang tatanggap ng Diamond Creator Award o Diamond Play Button Award na ibinibigay lanng sa may 10 million subscribers.

Sa loob ng 12 taon sa industriya, napatunayan naman ng Big Bang ang popularidad nila hindi lang sa bansang Korea kung hind imaging sa international. May total na 10 full group music videos ang grupo na humigit sa 100 million ang views tulad ng “Fantastic Baby” na unang naka-hit ng 350 million views at ang “Bang Bang Bang” na umabot naman sa 300 million views. Habang ang pinaka-latest ay ang music video ni G Dragon na ‘Who You?’ na umabot na sa 100 million views.

Ang Big Bang ang ikatlo sa mga K-pop group na makatatanggap ng Diamond Play Button Award bukod sa Black Pink at BTS.

Sa isang banda, habang sina G Dragon, Taeyang, Daesung at T.O.P. ay naka-enlist, si Seung Ri ay magsisimula na rin mapanood sa bagong variety show kunsaan, nakipag-team-up ang YG Entertainment sa Netflix na may tentative title na “YG Strategy Center”. Makakasama niya rin ang iba pang YG artists tulad ng Black Pink, iKON, Winner at ONE A.