Abante Tonite Interactive

Big Bang nahati sa iskandalo ni Seungri

By
0 139

tonite-annyeong-rose-garciaSa March 25 ay magpapa-enlist na rin daw sa mandatory military service si Seungri.

Nandoon ang lungkot ng mga tagahanga niya dahil papasok siya na may mga kaso o scandal na iniuugnay sa kanya.
Nahahahati raw ang mga fan ng BIG BANG dahil umano sa kanya. May petition ang ilang fan na nagsasabing tanggalin na raw si Seungri bilang mi­yembro ng grupo. Nasisira raw ang pangalan ng BIG BANG sa kinasasangkutan niyang isyu.

Tungkol umano ito sa involvement niya sa Burning Sun club at ang diumano’y sexual escort service prostitution, lalo na sa mga foreign investor. Kabilang na ang naging lavish at worth 20 million pesos na pa-exclusive party umano niya sa Amanpulo, Palawan.

Lumabas daw sa DC Gallery ng BIG BANG ang statement na ito, “The illegality of his actions will be decided through the investigation, but the damage he has caused to the group is irreparable. As of March 9, the BIGBANG Gallery will no longer support Seungri.”

Pero, kinontra ito ng ibang fan. Sinabing hindi lahat ay nag-a-agree sa gustong mangyari ng ibang fan. Binigyang-diin din nila na ang DC Gallery ay hindi representative ng buong fandom.

Naniniwala pa rin ang ibang fan na maayos ang lahat ng ito. Nakikita naman nila na nakikipag-cooperate si Seungri sa imbestigasyon. Mahigit walong oras ito sa police station at nagpailalim sa police investigation. Tinigil din ni Seungri ang lahat ng activities, shows sa Korea at abroad para mag-focus ng buong-buo sa ginagawang investigation.
Sumailalim din si Seung­ri sa drug test at lumabas naman na negatibo ito sa paggamit ng illegal drugs.

Sa ngayon, si Seungri ay person of interest pa lamang at hindi suspek. Hindi nga naman ito dapat ikondena agad ng ibang fan at tahasang sabihin na dapat matanggal sa grupo.

Ayon din sa YG Entertainment, “Seungri will be enlisting on March 25 to fulfill his military service requirements. The police have stated they will continue to work on the case, but if Seungri’s status in the investigation changes from a person of interest to a suspect after his service begins, there is a possibility his case may be forwarded to military prosecutors.”

Personally, wish namin na malusutan ito ni Seungri at mapatunayan niya na wala siyang involvement sa mga ibinibintang sa kanya. Nanghihinayang kami sa talento na meron ang pinaka-maknae ng grupo sakali nga at “guilty” pala siya. Isang malaking scandal ito na malamang mahihirapan na siyang makabalik.