Abante Tonite Interactive

Big boy nga, dyutay naman

2,441

Tila may katotohanan na kapag may malaki sa isang tao ay mayroon din na parte na magiging maliit.

Ito ang pagbibiro ng isang dating mahusay na manlalaro na minsan nakasalamuha ang kasalukuyang aktibong player na nakitaan nito ng pambihira at kakaibang personal na parte.

Hindi maubos maisip ng dating mahusay na manlalaro na mabibiyayaan ng natatanging bahagi ang katulad niyang player na naihalintulad sa masarap na longganisang espesyal at tanging gawa sa Lungsod ng Vigan.

Matindi ang pasasalamat ng dating mahusay na player na hindi sumobra ang kanyang tangkad kaya nakuntento ito sa kanyang naging personal na bahagi.

Nangingiti na lang siya kapag naaalala niya ang hindi sinasadyang pagkakataon na masilip ang itinatago ng kanyang kapwa manlalaro na sadyang malayo sa kinahihiligan na German Francs.

Pagbibiro pa ng dating mahusay na manlalaro na marahil kapag nalagyan ng talbos ng bayabas ay inaasahang baka sakali pa itong maging jumbo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad