Abante Tonite Interactive

Big J, El Presidente Inspirasyon ni Cone

544

Aminado si Barangangay Ginebra San Miguel coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone na ang mga Philippine Basketball Association (PBA) legends ang naging inspirasyon niya upang maging isang ganap na winningest coach sa pro league.

Sa Twitter account niyang @manilacone kahapon, ipinahayag ni Cone na ang mga local player ng bansa ang nagbigay sa kanya ng determinasyon upang mapursigi at maabot ang estado niya sa unang propesyonal na liga sa Asia at sa bansa.

“That was National basketball Association (NBA), but I was actually more influenced by PBA players,” saad niya sa tweet .

Sa katunayan ay una pa sa listahan na malaki aniya ang naging impluwensya sa kanyang coaching career sina Living Legend Robert ‘Big J’ Jaworski, pangalawa si Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, pangatlo si Francis Arnaiz at pang-apat naman si Rosalio ‘Yoyong’ Martirez.

Sa ngayon ay hawak ng 62-anyos na bench tactician ang titulong ‘winnigest coach’ sa liga makaraang Manalo ng 22 championships kasama ang dalawang grandslam – tig-isa sa Alaska Milk noong 1996 San Mig Coffee noong 2013-14. (Aivan Denzel Episcope)