Abante Tonite Interactive

Big J, Shin Dong Pa may reunion game

PH-KOREA RIVALRY

By
0 189

Hindi malayong magkaroon ng reunion sina Robert Jaworski, Sr. at Shin Dong Pa sa mga susunod na buwan kapag natuloy ang sports activities na magiging bahagi ng Phi­lippines-Korea Sports Festival.

Planong isahog ang spor­ting event kasabay ng 70th anniversary ng PHL-Korea diplomatic relations.

Sa Philippine Sports Commission office kahapon kinumpirma ni PSC chairman William Ramirez ang event, kasama sina Korean Ambassador Han Dong-Man, Consul Park Joong-Suk, Byun Jae Heung ng United Korean Community Association in the Philippines, at Youn Man Heong ng Korean Sports Association in the Philippines.

Sa temang ‘March Together’ ilulunsad ng embahada ang Korea-Philippines Sports Festival sa June 8, kasama ang football, baseball at basketball sa 12 sports na ilalaro sa PhilSports Complex sa Pasig.

Sina Shin Dong Pa at Jaworski ang dalawang pangunahing mukha sa mainit na karibalan ng Korea at Pilipinas sa basketball noong 1960s hanggang 1970s.

Taong 1973, kasama si Jaworski sa Philippine team na sumikwat ng gold sa Asian Championships laban sa Korea at kay Shin.
Tulad ng mga batang Koreans ngayon na nagpapahirap sa Pilipinas, deadly din ang shoo­ting ni Shin noon, minsang umiskor ng 48 laban sa Pilipinas sa ABC (Asian Basketball Confederation) Championship na FIBA Asia Cup na ngayon.

Sinusubukang kausapin ng Korean Embassy si Shin para pumunta rito sa June.

“We are trying to talk to Shin Dong Pa,” pahayag ni Ambassador Han. “If he is okay, we will bring a Korean team to have a friendly match here.”

Hirit ni Ramirez, iimbitahan din nila si Jaworski kapag natuloy si Shin.

“We plan to invite also Jaworski to reminisce their playing days,” wakas ng PSC chairman.