Abante Tonite Interactive

‘Big time’ dagdag presyo: Gasolina P1.40-P1.60/L; diesel P.70-P80/L

225

Matapos ang dalawang linggong rollback, may nakaambang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes nang umaga, Setyembre 17.

Base sa anunsyo ng mga kompanya ng langis, nasa P1.40 hanggang P1.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Habang nasa P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa diesel at nasa P0.90 hanggang P1.00 kada litro sa kerosene.

Ang nakaambang na pagtataas sa presyo ng mga produktong ay bunsod ng paggalaw sa pandaigdigan pamilihan. (Armida Rico)