Abante Tonite Interactive

Big time puro pala tang-uts

499

Magandang araw. Ako si Cheng may maliit na negosyo sa aming bahay.

Nakati-katihan ko lang itsismis itong feeling pogi at big time kong kapitbahay.

In fairness pogi naman talaga siya kanya lang sobrang yabang.

Mantakin mo ba namang halos every other month yata iba tsekot niya. Mabuti sana kung hindi ko alam na ahente lang siya ng mga pampaseksing mga equipment.

Kaya nagtataka ako bakit ganon na lang siya kabigatin.

Pero walang sikretong naitatago dahil ako mismo ang nakasaksi sa kalokohan ng kapitbahay kong si Mandy.

Nang minsang may kumatok sa gate nila ay walang lumalabas at nagkataong nasa labas ako kaya ako ang nakausap.

Ahente ng rent a car ang bisitang humahanting kay Mandy dahil mag-iisang buwan na raw sa kanya ang nirentang Subaru na kotse pero walang tawag at pinapatayan daw sila ng cellphone pag tumatawag.

Ayun buking ang kayabangan ni Mandy puro galing lang pala sa rent a car ang mga ipinaparada niyang mga sasakyan sa kanilang bahay.

Kaya ang ending lumipat sila ng bahay after a month dahil sa kahihiyan.
Salamat sa pagkakataon Abante.
Cheng ng Bulacan