Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Big time tulak nalambat ng NBI

0 191

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang isang sinasabing high value drug dealer na nagtatago sa Batangas, matapos ang ilang nab­igong operasyon laban sa kanya ng mga anti-narcotics agent.

Dinakip ng NBI-Il­legal Drugs Task Force, sa pangunguna ni Atty. Jonathan Galicia, si Flo­rentina Natimdin Tee alyas Nancy Tee, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Imus Regional Trial Court.

Ayon sa NBI report, nakuhang makatakas ni Tee sa pagkakaaresto sa isang buy-bust operation noong 2010 kung saan sinubukan niyang magbenta ng isang kilo ng shabu sa isang under­cover agent.

Mula noon, nakatata­kas na si Tee mula sa pagkakadakip, at na­gawa pang makabiyahe sa labas ng bansa gamit ang mga dinoktor na dokumento sa ilalim ng kanyang pangalan sa pagkadalaga na Floren­tina Natimdim.

Dagdag pa sa report, nakakuha si Tee ng mga tunay na government issued ID, kabilang ang isang pasaporte, kahit pa isa siyang high value tar­get sa giyera ng gobyerno kontra ilegal na droga.

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek sa NBI jail facility nang walang inirekomendang piyansa. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.