Abante Tonite Interactive

Bigas babaha sa pag-alis ng quota ni Digong

362

Ganap nang batas ang rice tariffication bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Layon ng nasabing pinasang bill na maibaba ang presyo ng bigas at mapaluwag ang importasyon nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nitong Biyernes, Pebrero 15 pinirmahan ng Pangulo ang enrolled bill, ilang oras bago mapaso ang prescriptive period para maging ganap na batas kahit walang lagda ng Presidente.
Ang rice tariffication bill ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte noong Oktubre sa kasagsagan ng problema sa mataas na presyo ng bigas at mataas na inflation.

Sa ilalim ng bagong batas, magiging maluwag na ang pag-aangkat ng bigas ng mga negosyante at indibidwal sa ibang bansa kapalit ng 40% na taripa.

Ang buwis na makukuha mula dito ay gagamitin naman ng gobyerno para pondohan ang mga programang pansaka gaya ng irigasyon, imbakan ng bigas at iba pa.