Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bigas P20 kada kilo posible – NEDA chief

0 57

Ipinahayag kahapon ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na posible umano ang pangako ni presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. na gawing P20 hanggang P30 kada kilo ang bigas sa bansa.

“If our support to our rice farmers are very targeted and efficient, then I think that is a possibility,” ani Chua sa isang press conference.

Si Chua ang director general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi pa ni Chua na ang pagbaba ng retail price ng bigas ayon sa ipinangakong presyo ni Marcos ay posible sa ilalim ng liberalized trade regime ng Rice Tariffication Law.

Pinahihintulutan ng Rice Tariffication Law ang walang hadlang na pag-angkat ng bigas ngunit may mas mataas na taripa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layunin ng batas na mapababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbaha sa merkado ng mga imported.

Para naman protektahan ang lokal na industriya, ang batas ay nagkakaloob ng P10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund, na dapat gamitin sa mga grant at mabigyan ang mga magsasaka ng kagamitan para mapabuti ang farm mechanization.

Gayunpaman, sinabi ni Chua na kung ang suporta para sa mga magsasaka ay sa anyo ng subsidy maaaring maging problema ang target na ibaba sa P20 hanggang P30 kada kilo ang bigas.

“If we are going to use taxpayers’ money solely to subsidize without conditions and without any productivity measures, then that’s a bad idea,” ani Chua. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.