Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bigas sapol sa sirit-presyo ng gasolina

0 160

Nagbabala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa napipintong pagtaas ng presyo ng bigas sa mga susunod na linggo.

Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, posibleng tumaas ng hanggang P3 ang farmage price ng bigas.

Ito’y kasunod ng malakihang pagtaas sa presyo ng langis sa bansa dahil na rin sa mataas na singgil ng kada bariles sa pandaigdigang pamilihan.

Ang pagtaas sa presyo ng bigas ay dahil sa krudo rin umaasa ang mga magsasaka, tulad ng paggamit ng traktora at patubig sa kanilang pananim.

Ayon kay Rosendo So, hindi kakasya ang ayuda ng gobyerno para matulungan ang lahat ng magsasaka sa bansa.

“Maliit naman ang fuel subsidy nila. Wala pang 10 percent ng total mga corn farmers saka `yong fisherfolks na tutulungan nila,” wika ni So.

“The best way na sinasabi natin is isuspinde ng three months `yong excise tax saka itong VAT,” aniya pa.

Una nang inanunsiyo ng Department of Agriculture na hindi kasama ang mga magsasaka ng palay sa mabibigyan ng fuel subsidy. Ito’y dahil mabibigyan naman umano ng P5,000 ayuda ang mga nagtatanim ng palay sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.