Abante Tonite Interactive

Bigating aktres bumara sa hallway ng Senado

By
559

Maraming senador ang nabuwisit daw sa isang aktres/direktor matapos itong maging sanhi ng kaguluhan sa sesyon ng Senado.

May pakulo daw kasi itong aktres na isa-isang sinalubong ang mga senador mula sa elevator para suportahan ang kanyang adbokasya.

Bukod sa pamimigay ng bulaklak sa mga senador, aba’y nagpa-picture pa ang hitad sa mga mambabatas.

Dahil sa kanyang ginawa, sumikip ang hallway at maraming senador ang nahirapan sa pagdaan.

Sa nakalap na info ng Tonite, galit daw ang ilang senador sa aktres dahil na-late tuloy sila sa pagpasok sa sesyon dahil sa nilikhang trapik ng pakulo ng aktres.

May isang senador pa umano ang nagsabing panahon na para gumawa ng sariling pintuan para sa mga mambabatas lamang.

Clue: Ang aktres na naging sanhi ng trapik sa hallway ng Senado ay hindi sakto ang damit na XL. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mataba­ siya.