Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bigating pusher, kidnapper bulagta sa shootout

0 111

Patay ang isang high profile drug pusher na miyembro ng kilabot na kidnap for ransom group (KFR) at nag-ooperate sa Lanao del Sur at Norte matapos itong manlaban sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Miyerkules ng madaling-araw sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Tamarac, Lanao Del Sur.

Kinilala ang nasawing suspek na si Aleman Bantuas Boratong alyas Boy Negro, isa sa mga nagpapatakbo ng Amin Imam Boratong Drug Group at miyembro ng Abul Radia KFR group na nag-ooperate sa Lanao Del Sur at Lanao Del Norte.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PNP-AKG Iligan Sattelite Office kasama ang Pasig City police at iba pang grupo ng kapulisan sa Lanao Del Norte upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa mga kasong iligal sa Pasig at Manila Regional Trial Court (RTC) alas-3:30 ng madaling-araw.

Subalit hindi pa man nakakalapit ang mga pulis sa target na bahay ay agad na silang pinaputukan ng suspek dahilan upang paputukan na rin at mapatay ang target.

Ayon sa PNP-AKG, ang napatay na suspek ay isa sa mga bigating miyembro ng Amin Imam Boratong Drug Group, isang shabu tiangge na nag-ooperate sa Pasig City na sinalakay ng kapulisan noong 2006.

Miyembro din ito ng Abul Radia KFR na responsable sa mga pagdukot sa ilang personalidad kabilang sina Narija Saldivar, isang babaeng negosyante sa Iligan City na dinukot ng grupo noong 2010, Hadji Zainal Datumanong, na kanilang dinukot sa Marawi City noong Marso 19, 2017, Enge. Liling Lanto Ibrahim na dinukot ng grupo sa Marantao, Lanao del Sur noong Hulyo 12, 2017.

Bukod dito ang nasabing grupo ay responsable sa pamamaslang sa mga pulis at sundalo sa mga nasabing lalawigan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.