Abante Tonite Interactive

Bigtime rollback ipinatupad ng gas company

281

Nagpatupad ng ma­laking bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga (Agosto 13).

Halos sabay-sabay na naglabas ng abiso ang mga kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Flying V, Total, PTT Philippines, CPI (Caltex) at PetroGazz hinggil sa bawas presyo ng P0.50 kada litro ng gasolina, P1.10 sa diesel habang P1.30 kada litro ng kerosene na epek­tibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng bawas presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kahalintulad na halaga.

Nauna nang nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga kompanyang Phoenix Petroleum Philippines at Clean Fuel stations nitong nakaraang Sabado at Linggo sa kahalintulad na halaga ng mga produktong petrolyo.

Ang ipinatupad na bawas sa presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pami­lihan. (Armida Rico)