Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bigtime rollback sa langis nakaamba

0 50

Asahan ang malaki-laking rollback sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga industry sources, mula P1.70-P2.00/liter ang projected sa bawas sa kada litro ng diesel.

Habang sa gasoline naman ay inaasahan ang P1.50-P1.80/liter na tapyas.

Paliwanag ng industry sources, pagtataya lamang ito batay sa unang apat na trading days at maaaring magbago pa ngayong weekend.

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng krudo sa likod ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Ukraien at Russia.

Ito ay dahil sa lockdown sa China, at ang patuloy na banta ng global recession na nagpapababa ng demand sa krudo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.