Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bigtime tulak bagsak sa P7M droga

0 111

TINATAYANG nasa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang droga ang nasabat ng mga pulis sa isinagawang operasyon kontra droga sa Cebu City.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, na pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan mula sa Police Regional Office-Central Visayas Regional Drug Enforcement Unit sa Barangay Tejero.

Doon na naaresto ang suspek na si alyas Toro, na tulak umano ng ilegal na droga sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

“Maganda na nahuli ng ating mga operatiba sa Central Visayas ang suspek na ito dahil ayon sa inisyal na impormasyon, sangkot siya sa malakihang operasyon ng iligal na droga,” pahayag ni Eleazar.

Sa report, sinasabing isang bilanggo sa isa sa mga kulungan sa Cebu ang kontak ng suspek sa iligal na transaksyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.