Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bihag na Fil-Am sinagip

0 163

NAILIGTAS ng tropa ng pamahalaan ang isang kidnap victim sa Sirwai, Zamboanga Del Norte.

Sa impormasyon mula sa 1st Infantry Division, sinabi ni spokesman Captain Clint Antipala na ang biktimang si Rex Triplitt, isang Filipino-American ay nabawi ng mga sundalo kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Pisa Itom.

Wala namang nasugatang miyembro ng militar.

SM food to go Banner Ad

Si Triplitt ay dinukot ng mga armadong lalaking naka-camouflage noong Setyembre 16 habang siya at kanyang asawa ay pauwi na ng bahay sa Barangay Piacan.

Nagawang makatakas ng kanyang asawa.

Sinabi ni Lt. Colonel Leon Onggao, commander ng 42nd Infantry Battalion, na ang mga sundalo ay hindi tumigil sa paghahabol sa mga nandukot hanggang sa masagip si Triplitt, na sasailalim ngayon sa medical evaluation. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.