Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bihiria ang tulad ni Pingris – Cone

0 291

Isa sa nakakasapol na tribute sa pagre-retiro ni Marc Pingris ay galing sa winningest coach ng PBA, si Tim Cone ng Barangay Ginebra San Miguel.

Si Cone ang arkitekto ng grand slam ng Purefoods franchise (San Mig Coffee Mixers) noong 2014, angkla ng depensa ng team na ‘yun si Pingris. Kasama niya sina James Yap at PJ Simon.

Ilang oras matapos ihayag ng Pinoy Sakuragi sa Instagram Martes ang kanyang pagreretiro matapos ang 16 seasons sa pros, isa si Cone sa mga unang sumagot.

Related Posts

“End of an era,” post ng 63-year-old American mentor na permanenteng residente na sa ‘Pinas sapul noong 1989. “Certainly one of a kind. I loved, in every way, coaching Ping. Tough as nails on the court and gentle in spirit off it. @MPingri15 will be the standard from which I coach future players. My fav.”

May espesyal naman shoutout si Pingris kay Cone sa video niya.

“Coach Tim, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grand slam. I’m proud to have played the game we both love with you,” aniya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.