Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bike lane sa Sucat Road pinamadali ni Olivarez

0 283

Sinimulan na ng lokal na panahalaan ng Paranaque ang konstruksyon ng bike at motorcycle lane sa kahabaan ng Dr. Santos Avenue dating Sucat Road.

Naglagay na ng mga permanent marking sa kalsada noong Biyernes kung saan nagtakda ng 1.5 metro sa outer lane ng nasabing lansangan.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na pinapamadali niya ang pagpapagawa ng ligtas at protektadong bike/motorcycle lane lalo’t marami sa mga commuter ay gumamit na ng bisikleta at motor sa pagpasok sa trabaho ngayong pandemya.

“Bike lanes should be put up immediately since public transportation consists primarily of jeepneys and UV Express where not allowed to ply along Dr. Santos Avenue since March when the national government placed Metro Manila under lockdown,” sabi ni Olivarez.

Ipinaliwanag ni Mar Jimenez, public information office chief na ang ‘inner ‘ lang 12 kilometrong Dr. Santos Avenue ay inilaan sa mga pribadong sasakyan habang ang center lane ay para sa mga delivery truck, van at iba pang mahahabang sasakyan.

Ang labas na linya na katabi ng side walk o bangketa ay parehong ipapagamit sa mga bisekleta at motor simula ngayong buwan.

Ang proyekto ay hahatiin sa dalawang bahagi kungsaan ang blue markings ay magsisimula
sa SM Sucat hanggang boundary ng South Superhighway habang ang phase 2 ay sa Airport Road sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi umano gagamit ng mga concrete at plastic barrier sa gagawing bike lane dahil lalong sisikip ang daan.

Kasabay nito, umapela ang lokal na pamahalaan sa lahat ng motorista kasama ang mga siklista na sumunod sa batas trapiko upang maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa kalunsuran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.