Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biker club aprub sa SEC

0 856

Inaprubahan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang bagong registration ng Boulevard Boyz Motorcycle Club o BBMC na itinayo ni retired Police General Napoleon Villegas noong 2002 upang isulong ang pagkakaibigan at camaraderie sa lahat ng Pinoy biker clubs at associations sa bansa.

Ang BBMC, na isa sa mga pioneer bikers’ club sa Pilipinas, ay inorganisa ni Villegas sa pagsusumikap na burahin ang ‘outlaw image’ ng ilang biker groups sa bansa, at gawin silang isang asosasyon na binubuo lamang ng mga motorcycle enthusiasts na 100 porsiyentong law-abiding citizens at tumatalima sa lahat ng umiiral na driving rules at regulations.

Nabatid na kilala ang grupo sa mga idinaraos nitong outreach programs at community service at binubuo ng mga respetado at peace-loving motorbike enthusiasts.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sila ay pinagkalooban ng SEC ng bagong rehistrasyon noong Marso 4, bilang isang entity na duly organized at existing sa ilalim ng Philippine laws, per SEC Registration No. CN202102481 at Intellectual Property Office/Philippine Trademark Registration application number EFPH202100001632546.

Ayon kay Villegas at kapwa BBMC organizer na si Edwin Pranada, bukod sa pagsusulong ng neutrality sa lahat ng bikers’ clubs sa bansa, layunin rin ng kanilang samahan na maiangat ang kulturang Pinoy na ‘Family First,’ isulong ang kamalayan sa safe driving sa mga pampublilong lansangan nang may malalim na kahulugan ng camaraderie at respeto sa bawat motorcycle riders, pagtulong sa mahihirap at mga underprivileged, magsulong ng kapayapaan at kaayusan sa riding community at bigyan ng sapat na kaalaman ang publiko kung paano maging responsableng motorcycle riders.

Ang BBMC Clubhouse ay matatagpuan sa No. 1307 Marcelo H. del Pilar, Ermita, Manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.