Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biker na lolo dedbol sa trak

0 41

Nasawi ang isang 69-anyos na senior citizen nang mabangga ang minamanehong electric bike ng isang delivery truck habang papalabas ng kalsada sa Amadeo, Cavite Sabado ng hapon.

Naisugod pa sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Florentino Hije Sr., ng Purok 5 Pangil, Amadeo, Cavite, subalit hindi na siya umabot nang buhay dahil sa pinsala sa ulo at katawan.

Kinilala naman ang driver ng Foton delivery truck na may plakang EAA 2433 na si Jomar Placido, 30.

Sa ulat ni P/SSgt. Arvin Balbuena ng Amadeo Police Station, minamaneho ng biktima ang isang e-bike at papasok sa inner lane ng CM Delos Santos Road, Brgy. Dagatan ng naturang bayan dakong alas-2:50 kamakalawa ng hapon nang mabangga siya ng delivery truck na minamaneho ni Placido.

Tumilapon pa nang ilang metro ang katawan ni Hije at mabilis siyang isinugod sa ospital subalit hindi na kinaya ng kanyang katawan ang mga tinamong sugat. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.