Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biker na senior dedbol sa rider

0 158

NASAWI ang isang 63-anyos na nagbibisikleta nang bundulin ng isang motorcycle rider sa Tanza, Cavite.

Dinala muna ng motorcycle rider na si Nestler Palmer, 39, isang machine operator, ng Villa Apolonia, Naic, Cavite ang senior citizen na biktimang si Eduardo Corpuz, may-asawa ng Block 28 Lot 13 Phase 2 Springtown Villas Brgy Bucal, Tanza, Cavite saka ito sumuko sa pulisya.

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco, ng Tanza Police Station, minamaneheo ng suspek na si Palmer ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy Sahud Ulan ng naturang bayan dakong alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang mabundol nito ang biktima na noon ay nagbibisikleta sa lugar at kasunod nito patungo sa direksiyon ng Naic.

Agad namang sinaklolohan ni Palmer ang lolo subalit namatay din ito pagsugod sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.