Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biker salpok sa motor, nagulungan pa ng bus

0 42

BINANGGA na ng motorsiklo, nagulungan pa ng bus ang isang 52-anyos na nagbibisekelta na ikinasawi nito habang nabalian ang motorsiklong bumangga sa biktima sa Carmona, Cavite.

Kapwa isinugod sa Pagamutan Bayan ng Carmona sina Rodolfo Olivar, 52 at Eugenio De Jesus, 29, subalit namatay habang ginagamot si Olivar habang nabalian sa kaliwang kamay si De Jesus.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Volvo City Bus na may plakang CAH 4033 na minamaneho ni Jolie Acutim.

Sa ulat ni PSSgt Arnold Malazarte, ng Carmona Municipal Police Station, alas-8:30 Biyernes ng gabi nang maganap ang insidente sa Governors Drive sakop ng Brgy Mabuhay.

SM food to go Banner Ad

Pa-GMA si De Jesus sakay ng motorsiklo niyang Sky MC nang aksidenteng mabangga si Olivar.

Tumilapon ang dalawa pero minalas si Olivar nang magulungan ng paparating na Volvo bus.

Isinugod ang mga biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot si Olivar. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.