Abante Tonite Interactive

Biker tinodas pagkatalikod sa kausap

423

Patay ang isang 28-anyos na biker nang patraydor na barilin sa ulo habang papasakay ng kanyang bisikleta ng kanyang kausap kamakalawa sa kanto ng Beltran at Pinoy St., Balut,­ Tondo.

Nasawi habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Renjie Parohinoat taga-Cabrera St. Dagupan, Tondo. Nakatakas naman ang suspek na si Mark Alvin Guinto, 30-35 at taga-2311 Beltran St. Balut, Tondo.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Rodel Bemitez, ng Manila Police District-homicide section, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang krimen.

Nakita sa CCTV records na nag-uusap pa ang dalawa nang magpaalam ang biktima at papasakay na ito sa kanyang bisikleta nang barilin ng suspek sa ulo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero idineklara ring patay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Patuloy namang ina­alam ng pulisya ang motibo ng krimen. ­(Juliet de Loza-Cudia)