Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biker todas sa nakasalpukang motorsiklo

0 202

Todas ang construction worker matapos mabundol ng motorsiklo ang kanyang bisekleta sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Traffic Sector Commander P/Major Manuel Delacruz Jr. ang namatay na si Mariano Cabrigas Jr., 56, taga-RORC hunters, Brgy Tatalon QC. Nakilala naman ang suspek na si Peter John Santos, freelance agent, 26, ng Malabon City.

Ayon sa traffic investigator na si PSSG Joel Aviso, ala-1:30 ng hapon (May 28) nang maganap ang aksidente sa Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, QC.

SM food to go Banner Ad

Binabagtas ng biker ang kahabaan ng Kaliraya St., habang minamaneho ni Santos ang Suzuki motorcycle nang salpukin niya ang si Cabrigas.

Naisugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center (EAMC) pero dahil sa grabeng tinamong pinsala ay inilipat ito sa Delos Santos Medical Center kung saan idineklarang itong dead on arrival. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.