Abante Tonite Interactive

Bikini na nakakain swak sa Valentine’s Day

By
229

Kung nauumay na kayo sa chocolates at flowers na panregalo tuwing Araw ng mga Puso, bakit ‘di n’yo i-try na sorpresahin ang inyong partner na bigyan siya ng underwear o bikini na nakakain!

Yes! Puwede itong kainin dahil isang cake artist na nakabase sa Baguio ang nag-try gumawa ng ‘edible underwear’.

Pihadong masosorpresa at mai-excite itong kainin ng iyong minamahal dahil iba-ibang flavor ang kanyang bini-bake gaya ng strawberry, mango, banana at lemon.

“Originally ginagamit ko siya pang flo­wers talaga,” paglalahad ng cake artist na si Regina Milan.

“Pero since medyo malikot ‘yung kaisipan natin, naisipan kong gawin ‘yung ganito. Puwede kasi siya sa mga damit sa mga barbie, edible na barbie ganun, sa mga cakes,” dagdag pa nito.

Kuwento pa ni Milan, gawa sa mala-tela na material na pastry ang kanyang obra sa paggawa ng cake.

Pero para sa mistress, kabit, kulasisi o no. 2, ‘wag kayong assuming na mabigyan kayo ng ‘bikini na nakakain’ dahil mga legal na mag-asawa lamang ang puwedeng benta­han nito.