Abante Tonite Interactive

Biko binawal ni Eusebio dahil kay Vico

723

“Pag-upo ni Vico, puwede na ulit magbenta ng biko sa Pasig.”

‘Yan ang natatawang naisagot ni Bossing Vic Sotto sa isang interbyu ni Mario Dumaual kung totoo bang ipinagbawal ang pagtitinda ng biko sa Pasig during the campaign period.

Katunog nga naman kasi ang naturang ­kakanin sa anak niyang si Vico Sotto, na ngayo’y Mayor-elect na ng Pasig City sa kakatapos na eleksyon.

Tinalo niya si incumbent Mayor Bobby Eusebio, at tinapos ang halos tatlong dekadang pamamayagpag ng mga ito sa Pasig City.

Nang matanong naman kung ano sa palagay niya ang nagpa-panalo sa kanyang anak, ani Bossing ay palagay niya gusto ng mga taga-Pasig ng pagbabago alinsunod nga sa ikinakampanya ni Vico. Ramdam raw ng mga tao na nasa puso nito ang serbisyo publiko.

Hindi lang biko ang napapabalitang ibinawal sa Pasig. Maging ang ‘Sugod Bahay’ segment ng “Eat Bulaga” ay hindi pa nangyayari sa naturang lungsod.

Andami pa naman nitong natutulungan na kababayan dahil dito’y namimigay ng sangkaterbang papremyo lalo na kung may disiplina ang mga nasa barangay.

In fairness naman sa EB, never silang naki-ride on o ginamit ang naturang segment sa politika, at ayaw na ayaw nilang may nagbabanggit ng pangalan ng mga politiko habang nagpapasalamat ang mga nananalo. (Jun Lopez)