Abante Tonite Interactive

`Bikoy’ huwag pag-aksayahan ng oras – Ping

0 414

Wala nang nakikitang dahilan si Senador Panfilo `Ping’ Lacson para pagtuunan pa ng pansin si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang siya si `Bikoy’ sa kontrobersiyal na narco-list video.

Sinabi ni Lacson na sa gitna ng mga kinakaharap na eskandalo at kaso ni Bikoy, wala nang ha-laga pa kung bigyan siya ng benefit of the doubt.

“Given that and his rich background in scamming people, there’s no sense in giving the guy even the benefit of doubt. It is pointless and a waste of time,” diin ni Lacson.

Abante Hiring – IT dep

Hindi na rin naman anya maikakaila ang pagkakakilala sa kanya ni Hutch Altavas dahil personal silang magkaharap nito.

Si Alvatas ay political affairs chief ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nakaharap umano ni Advincula noong 2016.

“Hutch had a face to face talk with him inside the NBP. That is why he recognized him when he appeared before the IBP and identified himself on nationwide TV to issue his prepared statement,” pahayag pa ni Lacson.

“I myself asked Hutch if he was sure it was Bikoy whom he met in Dec 2016, which he affirmed while saying it was a leaner Advincula. The SMS exchanges between them that followed that meeting could not have come from another inmate or person,” dagdag ng senador. (Dang Samson-Garcia)