Abante Tonite Interactive

Biktima ng ash fall: Cherry Bullet ‘di nakabalik sa Korea

381

Nang dahil sa biglang pag-alburuto ng Taal Volcano noong Linggo ng hapon, maraming stranded at hindi nakaalis ng bansa. Nag-cancel ng flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa ash fall.

Sa bansa ginanap ang 24th Asian Television Awards kunsaan ilan sa mga performers at presenters ay mula sa iba’t ibang bansa sa Asya, kabilang na ang South Korea. Ang girl group na Cherry Bullet under FNC Entertainment ang isa sa nag-perform sa nakaraang Asian Television Awards.

Noong Linggo sana ang flight ng grupo pabalik ng South Korea, pero isa sila sa na-cancel ang flight. Naglabas ng statement ang FNC sa sitwasyon ng Cherry Bullet members na sina Haeyoon, Yuju, Bora, Jiwon, Remi, at Chaerin.

Ayon sa statement ng FNC, “We attended the 24th Asian Television Awards in Manila, Philippines on January 11 and 12, and a volcano erupted near Manila. The members and staff are safely staying at a hotel and watching the situation.

“They were scheduled to return to Korea on January 13, but due to the closure of the airport, they will return as soon as the situation is normalized. We sincerely hope that there will be no damage to local residents and fans. We will do our best to make sure that Cherry Bullet returns home safely.”

EXO Chen ikakasal na

Kung nag-aalburoto ang Taal Volcano, gayundin ang nangyayari ngayon sa mga fan ng South Korean boy group at EXO member na si Chen. Sinabayan din ng breaking news ni Chen at kumpirmasyon ng SM Entertainment na ikakasal na ito.

Laking gulat talaga ng lahat at pasabog ang announcement na ito lalo pa nga’t ang EXO ang isa sa pinakasikat na boy group sa South Korea. Prior sa wedding announcement, wala ring nabalitang girlfriend ni Chen.

Ang siste, buntis daw ang non-showbiz girlfriend kaya biglaan ang lahat.

Narito ang official confirmation ng SM Entertainment.

“Chen has met someone precious to him and will be getting married. The bride is a non-celebrity, and the wedding will be held privately with only their families in attendance.

“To respect their families’ opinions, the wedding and everything related to it will be held privately, so we ask fans and reporters for their kind understanding.

“Chen will continue to work hard as an artist. We ask you to send Chen lots of blessings and messages of celebration. Thank you.”

Naglabas din ng letter si Chen at para rito, blessing ang lahat at hindi lang nila ma-reveal ang identity ng magiging bride nito for privacy.

Ayon kay Chen, “I had been discussing with the agency and our members because I wanted to announce the news at least a little bit earlier so I wouldn’t surprise you. Then, a blessing came my way. I am also taken aback, as I cannot do what I had planned with the agency and members, but this blessing has given me more strength.”

Tiyak na marami pang lalabas na news after this announcement/confirmation.

Tonite – Wendys Inhouse Ad