Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biktima ng drug war magreklamo sa korte – Roque

0 281

Aminado si Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng may mga “isolated” na paglabag umano sa karapatang pantao kaugnay ng giyera kontra iligal na droga.

“There may be violations – isolated violations of human rights,” sabi ni Roque sa tv interview sa kanya nitong Miyerkoles.

Subalit sinabi ni Roque na mayroong `judicial remedy’ ang mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang tao sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“But what is important is under human rights law, we have to give victims adequate domestic remedy which we have in the form of the Department of Justice National Prosecution Service, the local courts and Commission on Human Rights; and we have even recently created an inter-agency committee to look into alleged cases of illegal killings,” ani Roque.

Ipinagtanggol pa nito ang anti-illegal drugs campaign ng gobyerno sa pagsasabing wala naman umanong legal principal sa ilalim ng international law na nagbabawal sa mga bansa para labanan ang terorismo at iligal na droga.

Si Roque ay dating human rights lawyer bago naging mambabatas at tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.