Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biktima ng OPM: Female personality burado na sa balikbayan

0 205

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move-on ang isang kababayan nating nagsikap sa ibang bansa at naging matagumpay hanggang sa kilalaning isa sa pinakamayaman sa bansang kinaroroonan nito.

Grabe ang kayamanan ng ating kababayan, sa mansiyon pa lang na ipinatayo nilang mag-asawa ay alam nang bilyonaryo sila, katas ‘yon ng kanilang kasipagan.

Nu’ng minsang magkaroon ng show sa bansang ‘yon ang mga artista ng isang malaking network ay dumalaw sa kanilang mansiyon ang isang kilalang female personality.

Napanganga ang babaeng personalidad, hindi siya makapaniwala na may Pinoy palang ganu’n kayaman sa lugar na ‘yon, sa totoo lang.

Kuwento ng aming source, “Tulaley talaga ang female personality, parang hindi siya makapaniwala na may Pinoy palang very successful sa bansang pinuntahan niya!

“Libot nang libot ang girl sa buong mansiyon, pati ang mga furniture, e, binubusisi niya sa mga kababayan nating kung saan binili dahil super-bongga talaga!

“Nu’ng mag-dinner sila, e, lalo siyang nalokah, ang mga kinainan niyang plato, may ginto! Pati ang mga baso, e, super-sosyal din, para siyang kumakain sa isang malaking kaharian!” unang kuwento ng aming source.

Pagkalipas nang ilang buwan ay nagbalikbayan ang Pinoy kasama ang kanyang pamilya. Ti-next nito ang female personality dahil ‘yon ang bilin sa kanya. Kapag nasa Pilipinas daw sila ay ipaalam lang sa babaeng personalidad para magkita-kita sila.

Patuloy na kuwento ng aming impormante, “Walang sagot! Ilang beses na siyang tinext, ni hindi man lang siya nagre-reply! Tinawagan ng balikbayan ang female personality, ringing lang, walang sagot!

“Sa last call niya, e, may sumagot, PA kuno siya ng female personality. Nu’ng sabihin niya ang kanyang name at gusto niyang makausap ang girl, may narinig siyang nagsalita na ang sabi, ‘No, I don’t know her!’

“Nalokah ang balikbayan. Ganu’n lang kasimpleng nasabi ng girl na hindi siya kilala, samantalang napakatagal nilang nagkuwentuhan sa mansiyon!

“Isa lang ang nasabi ng kababayan natin, ‘Akala ko pa naman, e, matalino siya! Pero bakit maigsi ang memory niya? Di ba, ang matalinong tao, e, may sharp memory?’

“Mula nu’n, binura na ng kababayan natin ang pangalan ng female personality sa utak niya! Ganu’n daw pala ang babaeng ‘yon, OPM lang!

“Nu’ng mawalan ng trabaho ang girl sa malaking network, natawa lang ang balikbayan, binalikan ng kapalaran ang short memory niya!” madiing kuwento ng pagtatapos ng aming source.

Ted dawit sa ‘patay’ isyu ni DJ Chacha

Siguradong sasali sa anti-troll campaign ni Korina Sanchez ang magaling na radio personality na si DJ Chacha. Ilang araw na kasi ang nakararaan ay binulabog ng isang balita ang kanyang kapamilya, kaibigan at tagapakinig sa programa nila sa radyo (Radyo Sinko, 92.3 News FM) ni Ted Failon.

Ang lumabas na balita, “DJ Chacha, sinaksak ng asawa, patay!” Napakaraming tumawag sa amin, si Ted Failon daw kasi mismo ang naglabas ng impormasyon, kaya maraming naniwala sa balita.

Isa lang ang nasabi ng masarap panoorin-pakinggan na si DJ Chacha, “Fake news po! Buhay na buhay po ako. Napakarami na nga pong nagtse-check sa akin.

“Nu’ng una po, e, binubugbog lang ako ng husband ko, pero ngayon, pinatay na niya ako sa saksak! Nakakalungkot lang. Pati pangalan ni Sir Ted, ginagamit pa nila,” paliwanag ni DJ Chacha.

Napakarami talagang walanghiya ngayon, laganap ang pagsibol ng mga taong walang magawa sa buhay, kaya kung anu-anong kuwento ang inilalabas laban sa kanilang kapwa.

Nakakatulog pa kaya ang mga ganu’n? Gumagana pa kaya ang kanilang kunsensiya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.