Abante Tonite Interactive

Biktima ng paputok mas bumaba

By
13

Wala pang Bagong Taon pero dumarami na ang biktima ng papu­tok kung saan sa pinaka­huling ulat ng Department of Health (DOH) ay umakyat na sa 23.

Ito ay kumpirmasyon ni DOH Assistant Secretary at spokesperson Dr. Eric Tayag kaugnay sa puspusang monitoring ng ahensya sa mga biktima ng paputok at anti-firecracker campaign.

Gayunman, sinabi ni Tayag na higit na ­mababa ng kalati ang kasalukuyang mga datos kung ikukum­para noong nakaraang taon.

Sa mga biktima ng paputok, 13 sa mga biktima ay mula sa Metro Manila.

Walo naman sa mga biktima ay nagpaputok ng ipinagbabawal na uri ng paputok na piccolo.

Ayon pa sa DOH, nasa average na 900 hanggang 1,000 ang biktima ng paputok sa buong holiday season.

Pero umaasa ang DOH na bababa ito dahil sa paulit-ulit na babala ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.