Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biktima ng salvage hinagis sa bangin

0 79

Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang itinapon sa bangin sa Talisay-Tagaytay road.

Batay sa report ng Talisay pulis, nadiskubre ng isang residente ang bangkay sa ilalim ng matarik na bangin sa Barangay Leynes noong Linggo ng hapon. Nakalagay ito sa brown na sako na binalot pa ng kumot.

Nasa state of decomposition na ito at hinihinala ng mga awtoridad na ilang araw na itong patay.

Ayon kay PCapt. Llewell Reyes, hepe ng Talisay police, malaki ang posibilidad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa bangin upang iligaw ang mga imbestigador.

Nasuri na ng mga tauhan ng SOCO ang bangkay at hinihintay na lamang ang resulta para malaman kung ano ang ikinamatay nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.