Abante Tonite Interactive

Biktima rin ako ng ghosting

391

Bilang sinasabing ghost month ang August at isyu ang ghosting sa showbiz na kahit sa politika pinag-uusapan ang controversy kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, pag-usapan natin ang tinatawag na ‘no closure’, ‘big­laang ‘di pagpaparamdam’ o ‘ghosting’.

Aaminin ko nakaranas na rin ako ng ‘ghosting’.

Hindi ko na sasabihin kung sino ang nag-ghosting sa akin, pero ito ay isang pangyayari na nagpawindang ng buhay ko, pero naka-recover na ko nang bonggang-bongga.

Isang dating nakarelasyon ang nag-ghosting sa akin, at hindi lang isa kundi dalawang beses pa! Kalokah ‘di ba?

Noong una, matapos ang biglaan niyang disappearance, bigla rin naman siyang nagpakita at sinabing “hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya.”
I thought after that our relationship will go well gaya nang inaa­sahan ko.
Just like any other couple (sinasabi lang nilang komplikado ang relas­yon ng mga artista pero ang totoo parehas lang sa ordinary citizens), nagkakaroon din ng problema.

So, sa ikalawang pagkakataon bigla siyang ‘nag-disappear’ nang wala lang.
I tried my best to reach him, pero wala. Hindi na siya nagpakita.
Masakit kasi walang closure, nakabitin sa hangin.

Wala akong choice but to accept and move on.

Hindi ko na isi-share kung ano ang naging problema. May sarili nang pamilya ang guy at ako ay may sarili nang buhay with my daughter Amanda.
Somehow, naka-relate ako kay Bea. Hindi madali dahil hindi mo alam kung saan mo isisisi ang nangyari. Kung ano ang dahilan.

Pero kailangan kong magsimula, maging matibay at mag-move on.
Ito ang dapat matutunan ng mga nakaranas ng ghosting.

‘Wag ipilit ang isang bagay na hindi na puwede, for as long as you know the truth.

Kailangan na i-treat ang iyong experience bilang phase ng buhay na pagdadaanan mo lang. ‘Wag tambayan.

Ever since independent na ako, fighter in life.

Now, lovelife is no longer my priority. ‘Pag may dumating at mamahalin ako pati anak ko, puwedeng i-consider.

Dapat kaya akong buha­yin at maiintindihan ang mga pinagkakaabalahan ko.