Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bilad sa Araw

0 157

Mga traffic enforcer, street sweepers, mga pulis, at sidewalk vendors. Ilan lang sila sa mga kababayan nating bilad na bilad sa sikat ng araw habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Ngayong patindi nang patindi ang init ng panahon, mas dumarami ang naitatalang heat stroke. Walang eksaktong datos pero taun-taong maraming inaatake tuwing summer season, ayon mismo sa Department of Health.

Prone sa heat stroke ang mga taong may hypertension o mataas ang blood pressure. Kaya importanteng inumin lagi ang maintenance medicines. Hangga’t maaari higit sa walong basong tubig ang inumin kada araw para manatiling hydrated.

Walang altapresyon ang traffic enforcer na si Sherdie Valencia pero ugali na raw niyang magsuot ng mga panangga sa init para makaiwas sa heat stroke. Hindi niya nakakaligtaang magsuot ng sumbrero at arm band para may panlaban sa init. Nagpapalitan o shifting din daw sila sa pagdu-duty para may kaunting pahinga.

Ayon sa Municipal Health Officer ng Tanza, Cavite na si Dr. Ruth Punzalan, “Panahon ng summer ngayon, ingatan po natin ang ating pangangatawan. Magpacheck-up, alagaan natin ang blood pressure. Dapat controlled, otherwise, uso po ang heat stroke.”

Payo ng ilang health experts, iwasang magbilad sa araw sa pagitan ng 11am hanggang 3pm kung kailan matindi ang sikat ng araw. Kung wala namang importanteng gagawin, huwag na lang lumabas para makaiwas sa matinding init.

Magsuot ng mga preskong damit gaya ng sando at shorts. Mas piliin din ang maninipis kaysa makakapal na damit. Importanteng nakakahinga ang katawan sa mainit na panahon.

SM food to go Banner Ad

Ugaliing maligo araw-araw. Kung kaya, maligo nang higit sa isang bes para manatiling presyo at maginhawa ang pakiramdam.

Higit sa walong basong tubig ang inumin kada araw. Importante ring kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Mahalaga ting may sapat na pahinga para may lakas at sigla sa pang-araw-araw na gawain.

Dagdag ni Dr. Punzalan, “Magbagon din ng bimpo at extrang damit kung nagfi-field work. Puwedeng basain ang bimpo at ilagay sa mga bahagi ng katawan na nakakaramdam ng matinding init. Pero pinaka-importante, avoid diect exposure sa sunlight para maiwasan na lalong tumaas ang BP.”

Para sure na healthy at happy, huwag daw kalimutang ngumiti. Alam nating problemado ang marami sa atin dahil sa epekto ng pandemya sa ating pamilya at kabuhayan. Pero mahalaga pa ring manatili ang pagiging masayahin nating mga Pilipino. Kilala tayo sa pagiging ‘resilient’.

Sa huli – payo ni Dr. Punzalan, “Kailangan hindi masyadong tensiyonado. Huwag seryosohin ang problema. Humanap ng kaibigan para may makausap nang maayos. Laging ngumiti. Huwag dibdibin ang problema. Pag laging nakangiti, mas magaan ang buhay. Ang problema, isantabi lang para maging healthy and happy.”

Ngayong hindi pa tapos ang laban sa Covid-19 pandemic, importanteng pangalagaan ang ating pangangatawan. Huwag ding kalimutang mag-ehersisyo para manatiling fit and healthy!

Leave A Reply

Your email address will not be published.