Abante Tonite Interactive

Bilang ng mga virgin sa Japan tumataas

653

Ala-Dalagang Pilipina?

Wala nang gana sa sex o nag-aala-dalagang Pilipina o binatang-Pilipino lang?

Nagiging isyu ngayon sa bansang Japan ang paglobo ng bilang ng kanilang mga young adult na wala pang karanasan sa larangan ng sex kung saan tila naungusan na sila ng counterpart nilang mga bansa gaya ng United Kingdom at Amerika.

Batay sa lumabas na pag-aaral sa University of Tokyo, kumpara noong 1992 ay tumaas pa ang bilang ng mga virgin na Hapones sa pagpasok ng 2015.

Mula sa dating 21.7% na sexual inexperience ng mga Haponesa na nasa edad 18-39 ay umangat pa ito sa 24.6%, ayon sa isinagawang study ng mga health experts sa nasabing bansa.

Ang mas nakakapagtaka ay mas mataas pa ang bilang (25.8% – 2015) ng mga kalalakihang Hapones na wala pang experience sa pakikipagtalik kumpara sa mga kababaihan nilang birhen pa.

Ayon naman kay Peter Ueda, isang health researcher sa University of Tokyo, inamin nitong hindi pa nila natutumbok ang trend hinggil sa sexual inexperience sa hanay ng age group gayundin sa socio economic backgrounds. (ME)