Abante Tonite Interactive

Bilanggo namatay sa bulutong, pigsa

318

Naimpeksiyon na bulutong at pigsa ang ikinamatay ng isang 26-anyos na preso ng Manila Police District-Police Station 4, kahapon sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Ospital ng Sampaloc dahil sa severe skin infection ang inmate na si Angelo Nicoli Licup, binata, ng 761 Maria Cristina St., Sampaloc.

Sa record, si Licup ay naaresto noong Hulyo 18 dahil sa warrant of arrest na inisyu ni Acting Judge Grace Chavez- Ty ng Regional Trial Court Branch 44 kaugnay sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid na habang nakapiit sa detention cell, tinubuan ito ng bulutong kasunod noon ay maraming pigsa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ng mga jailer sa pagamutan ang biktima nang makitang nilalagnat at nahihirapan itong huminga ngunit nalagutan din ng hininga. (Juliet de Loza-Cudia)