Abante Tonite Interactive

Bilibid hospital sentro ng droga

264

Ibinunyag kahapon ng isang preso na ginagamit diumano ng mga high profile inmate ang New Bilibid Prison (NBP) hospital para isagawa ang kanilang transaksyon sa iligal na droga.

Sa pagtestigo ni dating Valencia City Mayor Jose Galario Jr., isang graft convict, sinabi nitong nakakapag-stay ng pito hanggang walong buwan ang mga high profile inmate matapos magbayad umano sa isang kay Dr. Urcisio Cenas, doktor sa NBP.

“Iyung mga drug lords diyan, even though their sickness is little, where they can be discharged in one or two weeks, because of money it can reach as much as seven months, eights months,” sabi ni Gala­rio sa pagdinig ng Senate justice committee.

“I observed it because while I was there undergoing close monitoring of my health, I studied it,” dagdag pa nito.

Mariin namang pinabulaan ni Cenas ang alegasyon ni Galario.
“Kaming mga doktor, nagre-rely lang kami sa evaluation ng nurse na pinadala,” giit nito.

Ayon pa kay Galario, isa sa mga drug lord na si ‘Boy Buwaya’, ang ginagamit diumano ang Me­dical Ward 2 bilang kanyang ‘communication center’ sa kanyang drug operation.

“Sa labas ang drugs galing pero ang instructions ng financiers, sa loob mismo galing,” sambit ni Galario.

Bukod diyan, may relasyon diumano si Boy Buwaya sa NBP nurse na na nakilalang si Meryl Benitez, na umano’y inakusa­hang nagpapasok ng kontrabado sa mga preso.

Ilan sa mga preso nagbayad ng hospital pass ay sina Louie Castro, Cha-cha Camata, Noel Fernandez, Rodel Castellano, isang alyas ‘Joseph’, alyas ‘Mong’, at isang alyas ‘Tata’.

Naniniwala din si Galario na alam ng hepe ng NBP hospital na si Ernesto Tamayo, ang mga iligal na aktibidad loob ng naturang pasilidad. (Dindo Matining)