Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bilibid pugante may P100K patong sa ulo

0 158

Magbibigay ang Bureau of Corrections (BuCor) ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng ikaapat na preso na tumakas mula sa New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang linggo.

Kinilala ang preso na si Chris Candas Ablas.

Itinuturing na ikaapat na preso si Ablas dahil tatlo lang ang preso na unang iniulat na pumuga mula sa NBP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa apat na tumakas, si Ablas at si Drakilou Falcon na lamang ang hinahanap ng mga awtoridad.

Una nang nag-anunsiyo ang BuCor na bibigyan nila ng P100,000 ang magtuturo kung nasaan si Falcon.

Samantala, ang dala­wa pa sa mga bilanggo na tumakas ay napatay na ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.