Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bilin ni Bryant kay Davis nagkatotoo

0 52

Una si National Basketball Association (NBA) legend Kobe Bryant sa mga naniwala sa kakayahan ng tandem nina four-time Most Valuable Player LeBron James at Anthony Davis.

Ayon kay Davis nitong Sabado (Linggo sa Maynila), nang hndi pa nagaganap ang malagim na sinapit ng Los Angeles Lakers great nitong January, nagpupunta madalas ang Black Mamba sa mga laro ng team para bigyan sila ng pampasuwerteng mensahe.

SM food to go Banner Ad

“He (Kobe) believed in this team’s potential from the start,” pahayag ni Davis sa Streaming News and Insight. “I know he’s looking down on us super proud. Before the tragedy, he would come to the game and just tell us, ‘This is y’all year. This is y’all year. Go out and take it,’”

Ayon sa 27-year-old, 6-foot-10 center-forward, kumpiyansa si Bryant na masisilo ng Lakers ang 74th NBA 2019-20 title, nagkatototo nga sa buwang ito nang hakbangan sa Finals ang Miami Heat sa Game Six.

“He had a lot of confidence in our team, organization to go out there and win it this year,” hirit pa ni Davis sa ilang mga sinabi ni Bryant nang nabubuhay pa. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.