Abante Tonite Interactive

Billboard ng TOTGA pinanghinayangan ng mga beki

By
5,619

MAGANDA’T medyo sexy ang billboard ng The One That Got Away ng GMA 7!

Medyo sexy lang ‘yon dahil kahit nasa swimming pool ang mga bidang sina Lovie Poe, Rhian Ramos, Max Coleen at Dennis Trillo kasama ang tatlo nilang support na sina Ivan Dorschner, Migo Adecer at Jason Abalos ay wala namang pa-“bukol” ang mga lalaki dahil nakalubog sa tubig ang ibabang bahagi nila.

Ang girls naman, kahit sexy ang dating nila sa kanilang swimsuits, still, maganda ang mga posing nila.

Sabi ng isang taga-Kapuso network na napagtanungan namin kung bakit hindi pa itinodo talaga ang kaseksihan ng kanilang billboard, hindi raw puwede dahil ayaw naman nilang maipatawag ng MTRCB, ‘noh?!

Siyempre, sakop pa rin naman ng MTRCB ang billboards ng mga TV show bilang parte ‘yon ng promotional materials, huh!

Sabi naman ng ilang mga beki, sayang daw at hindi mula ulo hanggang paa ang kuha ng apat na boys sa billboard na ‘yon para sana ay malaman na kung sino ang mas bongga ang “bukol” sa kanila!

Anyway, bukas na mapapanood sa GMA 7 ang nasabing primetime series.

Tulong  ng press people  kailangan ng producer

IN fairness, dahil dalawa sa future big stars ng ABS-CBN sina Sofia Andres at Diego Loyzaga, mukhang maganda naman ang promotions sa Kapamilya network ng pelikula nilang Mama’s Girl kesehodang isang Star Cinema ang katapat nila, huh!

Ang producer nga ng pelikula na si Mother Lily Monteverde ay tahimik lang kahit na katapat nila ang pelikula ng Star Cinema.

Eh, bukod din kasi kina Sofia at Diego, bida rin ng Mama’s Girl si Sylvia Sanhez na isa ring Kapamilya star, kaya naman malaya rin itong nakakapag-guest sa mga show ng Dos para mai-promote ang nasabing Regal Entertainment movie.

Masaya nga pala si Mother Lily nang aksidente namin siyang makita sa isang mall at naikuwento namin na maganda ang feedback sa trailer ng Mama’s Girl.

Ang maganda kay Mother Lily, palagi niyang sinasabi na kailangan niya ang tulong ng press para mas mai-promote ang kanyang mga pelikula at masigurado ang tagumpay ng kanyang mga pelikula sa box-office!

Isa si Mother Lily sa mga producer na naniniwala na kahit uso na ang social media ngayon ay dapat pa ring nababasa sa mga broadsheet at tabloids ang kanyang mga pelikula!

Anyway, sa Wednesday na ang showing ng Mama’s Girl!