Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billiards president bumaba sa puwesto

0 49

NAGBITIW sa tungkulin bilang presidente ng Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) si Ramon Malinao.

Ang dahilan ay ang kanyang kalusugan at inabisuhan din siya ng kanyang duktor.

“Due to failing health and upon doctor’s advice, the undersigned hereby tenders his resignation as president and member of the board of directors of the BSCP effective immediately,” hayag ni Malinao sa kanyang one-page letter kay secretary-general Robert Mananquil.

Magkakaroon sana ng eleksiyon ang BSCP nakaraang buwan pero dahil sa COVID-19 pandemic inilipat ito ng petsa, posibleng bago matapos ang taon o sa kaagahan ng 2021.

May ugong na nais ni Artisteo ‘Putch’ Puyat na bumalik bilang BSCP chief. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.