Abante Tonite Interactive

Billie Eilish bibisita sa ‘Pinas

309

Finally! Nasagot na ang dasal ng mga fan ng American singer-songwriter na si Billie Eilish na bumisita sa ‘Pinas. Nakatakda kasing mag-concert ang Grammy nominee sa Mall of Asia Arena sa darating na September 5.

Sumikat si Billie sa kanyang hit song na “Bad Guy”, “Lovely”, “Bury a Friend”, “All the Good Girls Go To Hell” at “When the Party’s Over”.

Sa darating na Grammy Awards sa January 26 ay nakagawa pa siya ng breaking record. Siya ang pinakabatang nagkamit ng Grammy nomination sa apat na kategorya. Bukod pa dito ay nominated din siya sa Album of the Year prize.

Ang kanyang concert sa Manila ay parte ng kanyang world tour na “Where Do We Go?” (Ronaline Avecilla)